Ordinansa para sa Diskriminasyon sa LahiPrint

Race Discrimination Ordinance

(Ordinansa para sa Diskriminasyon sa Lahi)

 

Ano ang racial discrimination?

Ang racial discrimination ay tungkol sa hindi pagtrato nang maayos sa mga tao dahil sa kanilang lahi. Ang racial discrimination ay alinmang kilos, sadya man o hindi, na magpapailalim sa isang indibidwal dahil sa kanyang lahi. Mayroong dalawang uri ng racial discrimination: Tuwiran at di Tuwiran na Diskriminasyon.

 Ordinansa para sa Diskriminasyon sa Lahi:

Ang ordinansa laban sa racial discrimination, ang Race Discrimination Ordinance (RDO), ay naging ganap na epektibo sa Hong Kong noong Hulyo 10, 2009. Ito ay isang malaking pagsisikap laban sa diskriminasyon sa Hong Kong. 

Code of Practice on Employment (Kalipunan ng Pagsasanay sa Trabaho)

Sa Code of Practice on Employment sa ilalim ng RDO, na inilathala ng EOC, mayroong tiyak na mga rekomendasyon at ilustrasyon para sa empleyado at tagapag-empleyo sa kung paano nila maisasakatuparan ang mga prinsipyo at konsepto sa RDO sa larangan ng panghanapbuhay.

Ang isang empleyado o manggagawa na nakaranas ng diskriminasyon sa lahi, panliligalig at pambibiktima ay maaaring maghain ng reklamo sa Equal Opportunity Commission (EOC) na may kapangyarihang magsagawa ng imbestigasyon kasama ang layunin na mapadali ang pagkakaayos ng anumang alitan sa pamamagitan ng pagkakasundo. Bilang alternatibo, maaari siyang magsampa ng demanda sa District Court. Ang Hukuman ay may kapangyarihang magpawalang-bisa sa anumang kontrata na lumalabag sa RDO, iutos na ang isang tao ay magtrabaho, muling magtrabaho o maitaas ang puwesto, at magkaloob ng bayad-pinsala, kabilang ang pagpaparusa at pagbibigay ng danyos perhuwisyos. Kung interesado kang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa diskriminasyon sa lahi, mangyaring bisitahin ang website ng EOC sa internet http://www.eoc.org.hk.