(English) Employment Service by Labour DepartmentPrint

Ang mga serbisyong pantrabaho ng Kagawaran ng Paggawa ay ibinibigay sa mga naghahanap ng trabaho na legal na nakakapagtrabaho sa HKSAR, kabilang ang mga may hawak ng Hong Kong Identity Card o wastong dockumento sa paglalakbay na may pagsang-ayon ng Kagawaran sa Imigrasyon ng HK para sa pagtatrabaho sa Hong Kong sa loob ng partikular na panahon na hindi pa lumipas. Kapag ikaw ay hindi sigurado kung ikaw ay legal na nakakapagtrabaho sa HKSAR, mangyaring bumisita sa website ng Kagawaran sa Imigrasyon sa http://www.immd.gov.hk

Para sa pagpaparehistro sa mga serbisyong pantrabaho ng kagawaran ng paggawa, alinman maaari kang Magparehistro Online o Magparehistro ng Personal sa anumang Job Centre Oras: Lunes – Biyernes 9:00 a.m.-5:30 p.m.; Linggo at mga Pampublikong araw ng Pahinga Sarado. Mga Address & Telepono mangyaring sumangguni sa talahanayan sa ibaba). Matapos ang pagpaparehistro maaari mong tangkilikin ang mga serbisyong pantrabahong ibinigay ng Kagawaran ng Paggawa kabilang ang:a

  1. Mga serbisyo ng Sentro ng Serbisyong Pantrabaho sa Telepono [Hotline ng Telepono : 29690888]
  2. Mga serbisyong pantrabaho ng mga pandistritong sentro sa trabaho.
  3. Pangalagaan ang iyong pamantayan sa paghahanap ng trabaho, itayo/i-upload ang iyong resume at sumuskribi sa job alert atbp; at
  4. Panatilihin ang iyong mga impormasyong kaugnay sa trabaho sa aming website para sa pagsusuri ng maypagawa.

Maaari ka ring direktang makipag-ugnay sa mga maypagawa kapag ang kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ay nakalagay sa mga trabaho O maaari mong tawagan ang Hotline ng Serbisyong Pantrabaho sa 2969 0888 O lumapit sa mga sentro ng trabaho para sa pagsangguni. Kapag ang mga online na aplikasyon ay naririyan, maaari mong gamitin ang Apply Online System ng kagawaran.
Dagdag dito, ang Departamento ay magbibigay din ng Gabay sa Kagawaran ng Paggawa para sa mga naghahanap ng trabaho na mga Etniko Minorya.
Para sa karagdagang detalye, mangyaring pumunta sa: http://www.jobs.gov.hk/1/0/WebForm/information/en/em/index.aspx