Pinakahuling mga balita

Panibagong Pakikipagtulungan ng Housing Department at Social Welfare Department

VCD na ginawa sa iba-ibang wika na ipinapakita kung paano gamitin ang mga Serbisyong Interpretasyon ng CHEER

VCD na ginawa sa iba-ibang wika na ipinapakita kung paano gamitin ang mga Serbisyong Interpretasyon ng CHEER

Dalawang uri ng VCD ang ginawa ng CHEER sa mga wikang Bahasa Indonesia, Hindi, Nepali, Punjabi, Tagalog, Thai at Urdu bilang bahagi ng dedikasyon ng CHEER na matulungan ang aming mga etnikong minorya (EM) na gagamit ng mga serbisyo upang maipakita sa kanila kung papaano gamitin ng maayos ang mga serbisyong interpretasyon at pagsasalin ng wika lalo na ang bukod-tanging Serbisyong Interpretasyong Pang-Telepono (TELIS).

Nahahati sa tatlong bahagi ang VCD na ipinapakita ang tatlong iba-ibang serbisyong interpretasyon ng CHEER:

1. TELIS. Ito ang pinaka-madaling serbisyong interpretasyon sa Hong Kong at ito ay walang bayad.  Ito ay madaling gamitin sa pamamagitan lamang ng pagtawag sa aming mga hotline at kapag naka-konekta na ang aming mga interpreter ay handang magbigay ng serbisyong interpretasyon.  Ang serbisyong ito ay hindi lamang makakatipid sa oras kundi pati na rin sa pamasahe ng mga gagamit.

2. Serbisyong On-site na Interpretasyon (EIS) ay tumutulong na mapadali ang harapang pag-uusap sa pagitan ng mga service user at service provider kasama ang interpreter ng CHEER at;

3. Serbisyong On-sight na Interpretasyon (OSIS).  Ang serbisyong ito ay para sa mga taga-gamit ng serbisyo na nakatanggap ng mga sulat sa wikang Ingles na hindi nila maintindihan.  Maaaring pumunta sa kahit anumang oras na bukas ang drop-in centre kung saan ang interpreter ng CHEER ay makakapagbigay ng berbal na paliwanag tungkol sa nilalaman ng mga dokumento sa wika ng taga-gamit.

Inaasahan naming na magagamit ng mga EM ang aming serbisyong interpretasyon ng sa gayon ay mapadali ang pakikipag-ugnayan nila sa iba pang mga serbisyong pampubliko tulad ng social welfare (kapakanang panlipunan), pabahay, paghahanap ng trabaho at iba pa.  Nang dahil dito, ang VCD na ito ay ginawa para sa kabutihan ng lahat ng mga EM na naninirahan dito sa Hong Kong pati na rin ang lahat ng mga nagbibigay ng pampublikong serbisyo na naglilingkod sa kanila.

Ang mga kopya ng VCD ay maaaring makuha sa CHEER.  Para makakuha ng kopya o para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming serbisyong interpretasyon at pagsasalin ng wika, mangyaring tumawag sa 3106 3104 o mag-email sa cheer@hkcs.org at hanapin si Ms. Chan.

Serbisyong Form Filling

Form Filling - Tagalog - small