Pampublikong SasakyanPrint

Transportasyon

Ang sasakyang pandagat ng Hong Kong (Ferry boat) ay isa sa mahusay na pampublikong sasakyan na may ibat-ibang koneksyon sa ibang transportasyon , Kaya ang pagbiyahe sa ibat-ibang parte ng Hong Kong ay tunay madali. Higit sa 90% ng mga pang araw-araw na pagbibiyahe ay gumagamit ng pampublikong sasakyan, na siyang may pinakamataas na bilang sa mundo. Kasama sa pampublikong transportasyon ay ang
MTR
Franchised Bus Service
Minibuses
Trams
Ferries
Taxi

MTR:
Ang MTR ay tren na bumibiyahe sa ibat-ibang parte ng lungsod, sa New Territories at Lantau Island ito rin ay may mabilis na koneksiyon papuntang Hong Kong international Airport. Ito rin ay nagbibigay ng mga serbisyo papuntang Beijing, Shanghai, Guangzhou at Zhaoqinh ng Mainland China. Lahat ng tren at karamihan sa mga istasyon ng MTR ay may air-condition..
Para sa mga ruta at pamasahe bisitahin ang mga sumusunod na website:
http://www.mtr.com.hk/jplanner/eng/planner_index.php

Franchised Bus Service
Mayroong limang pribadong pag-aari ng bus companies na maaring magbibigay ng serbisyo ng bus sa buong Hong Kong, na may 700 mga ruta. Ang Hong Kong ay isa sa mga lungsod sa buong mundo na pag-aari ng pribadong kumpanya ang mga bus.
Hindi mo kinakailangang bumili ng tiket para sa bus. Ihulog lamang ang pamasahe sa box na malapit sa tabi ng driver. Lahat ng mga bus ay tumatanggap ng octopus card. Kung nais mo nang bumaba pindutin lamang ang bell. Para sa mga ruta at pamasahe maaari mong bisitahin ang mga sumusunod na website:
http://www.kmb.hk/en/

Minibuses
Ang minibuses ay may labing-anim lamang na pasahero. Ang mga Green minibuses ay bumibiyahe sa mga partikular na mga ruta at may nakapirming presyo ng pamasahe. Kinakailangan ang eksaktong bayad sa pagsakay. Tumatanggap din ito ng octopus card. Ang Red minibuses ay walang particular na ruta o biyahe at maaaring pumara at bumaba kahit saan ang pasahero, maliban sa mga mga ilang lugar na ipinagbabawal ng batas. Kinakailangan mong magbayad kaagad-agad kapag ikaw ay nakasakay na. May pansukli ang driver kung ito’y kinakailangan. Kapag napuno na ang minibuses , ito ay hindi hihinto hangga’t walang pumapara. Mangyaring tandaan na ang minibuses ay nababagay sa mga taong nakakapagsalita ng Cantonese at pamilyar sa Hong Kong. Ayon sa batas ang mga pasahero ay kinakailangang magsuot ng sinturong pangkaligtasan.

Trams
Ang Hong Kong Tramways ay may anim na pangunahing ruta na tumatakbo sa pagitan ng Kennedy Town at Shau Kei Wan araw-araw mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng gabi. Ang tram ay ang pinakamatipid na paraan ng transportasyon sa Hong Kong. Gaano man kalayo, dalawang dolyar lamang ang kinakailangang bayaran. Para sa mga senior citizens at mga bata bawat ay mas mababang pamasahe na HK 1.00. Ang bawat tram sa kasalukuyan ay mayroong octopus reader na matatagpuan sa pagbaba ng tram. Ang buwanang tiket ay makukuha rin at ibinebenta sa Hong Kong Tramways sa istasyon ng ‘Whitty Street, Causeway Bay at North Point terminal.

Ferries
Ang Hong Kong ay may regular na mga ruta ng ferry boat na may koneksiyon sa Hongkong Island, Kowloon at ang mga Outlying Islands at pati na rin sa Macau at karatig lungsod ng Mainland China.
Star Ferry
Karamihan sa mga ferries ay simple pero makasaysayan ang Star Ferry na may serbisyo sa pagitan ng Kowloon at Hong Kong Island mula sa piers ng Tsim Sha Tsui, Hung Hom, Kowloon , Central at Wan Chai. Sa pagsakay mo ng ferry ay may tanawing makikita na di malilimutan.
Outlying Islands Service.

Ang mga ferries ay bumibiyahe mula sa Central Ferry Piers sa Hong Kong Island na nagbibigay ng serbisyo sa mga pangunahing malalayong isla ng Peng Chau, Cheng Chau, Lamma at Lantau, kasama na ang Discovery Bay. May dalawang uri ng ferries ang bumibiyahe sa mga sa mga rutang ito: ang standartd ferries at ang fast ferries na may kaunting kamahalan ang pamasahe kaysa sa standard ferries.
Taxi
Maraming taxi ang bumibiyahe sa buong Hong Kong, kahit sa mga liblib at malalayong lugar, at maaaring parahin sa kalye (maliban sa pinagbabawal na lugar) o tumawag sa pamamagitan ng telepono. Lahat ay may metro, may kamurahan ang pamasahe, may aircon at malinis.
May tatlong kulay ang taxi upang malaman ang mga lugar ng puwede nilang serbisyuhan, ngunit ang lahat ay maaaring bumiyahe papuntang airport.

Ang mga pulang taxi maaring bumiyahe sa lahat ng parte ng Hong Kong, maliban sa Tung Chung Road at sa timog na bahagi ng Lantau Island;
Ang green taxi naman ay para sa mga sa liblib na parte ng New Territories, at
Blue taxi para lamang sa Lantau Island.

Sanggunian:
http://www.hktramways.com/en/service/index.html
http://www.discoverhongkong.com/eng/trip-planner/transport.html