OctopusPrint

Octopus Card
Ang octopus card ay isang rechargeable stored value card na ginagamit sa paglilipat ng mga elektronikong pagbabayad sa online o offline sa Hong Kong. Ito ay inilunsad noong Setyembre 1997. Ito ay naging popular mula ng magsimula at mayroong tatlong milyon na card na naipamahagi sa unang tatlong buwan pagkatapos maiilunsad. Sa kasalukuyan ang octopus cards sa sirkulasyon ay higit pa sa populasyon ng Hong Kong. Ang lahat ng ito ay dahilan sa madaling paggamit nito.

Logo
Sa Cantonese ang octopus card ay tinatawag na “Baat Daaht Tung” na kung saan ang literal na kahulugan ay “otso-dating na ipasa”. Madalas na ang numero 8 ay sumasagisag ng “kasaganahan” at “pagyaman” sa Intsik. Ang “Baat Daaht Tung” ay maaaring ding isalin na “maaaring maabot sa lahat ng dako“. Ang Ingles na pangalan na “octopus” ay gayundin ang kahulugan. Ang logo na ginamit sa card ay tulad ng numero 8 na may katulad sa matematikal na simbolo na walang-hanggan “∞”, upang ipahiwatig ang walang hanggang posibilidad.

Saan mabibili
Ang octopus card ay maaaring mabili mula sa istasyon ng MTR o sa customer service ng anumang ibang pampublikong transportasyon.

Presyo
Ang presyo ng octopus card ay magkaiba para sa mga bata, matatanda at mga senior citizens, ito ay nagkakahalaga ng HK $ 70, HK $ 150 at HK $ 70 . Para sa lahat, ang HK $ 50 ay puwedeng maibalik bilang deposito at ang natitirang halaga ay naka-imbak sa card. Tandaan na muling magkarga kung ang balanse ay nasa zero o negative na upang magamit muli. Maaari ka ring magkarga mula sa customer service centre o pangunahing tindahan tulad ng 7-11, Circle K, Wellcome at PARK n SHOP at iba pa.

Paggamit
Ang octopus card ay magagamit sa halos lahat ng mga pampublikong transportayon tulad ng MTR, KCR, Light Rail and Buses at iba pa
Ito ay maari ding gamitin sa mga supermarket tulad ng Welcome at Park n Shop , sa mga convenience store, Circle K , 7-11at fast food outlets.
Paano gamitin
Ito ay lubhang madaling gamitin, i-tapat lamang ito sa ibabaw ng octopus card reading machine at makikita ang binawas at natitirang balanse.

Reference:
Octopus Holdings Limited
Website: http://www.octopus.com.hk/home/en/index.html