Mga serbisyong pang bangkoPrint

Mga Serbisyo ng Pagbabangko

Paggamit ng ATM Card at ATM sa Hong Kong:

Sa sandaling mag-aaply ka ng ATM card mula sa iyong rehistradong bangko, maari mo nang pamahalaan ang iyong mga account sa bangko sa pamamagitan ng ATM Machine, kasama ang:

•Pag-uusisa ng balanse ng account

•Pag-withdraw ng pera

•Pag-transfer sa loob at sa pagitan ng isa o maraming bangko

•Pag-bayad sa credit card

•Pag-bayad ng Bills

•Pag-palit ng password sa ATM card

Atbp.

Para sa pag-withdraw ng pera:

  1. Ipasok ang iyong ATM Card sa machine.
  2. Pumili ng wika (kapag gumagamit ng ATM sa unang pagkakataon, tanging wikang Instik at Ingles lamang ang nakalaan).
  3. Ipasok ang iyong PIN (Personal Identification Number), at pagkatapos ay pindutin ang Enter.
  4. Piliin ang cash withdrawals.
  5. Piliin o ipasok ang halaga na nais i-withdraw.
  6. Mayroong dalawang uri ng ATM para sa pag-deposito at pag-withdraw ng pera.
  7. Piliin kung nais mo ng resibo, piliin ang Oo o Hindi.  Kunin ang resibo kung ito ay pinili.
  8. Maghintay habang ang sistema ay pina-process ang iyong (mga) transaksyon.  Kapag ang machine ay nag-beep, kunin ang iyong card, pera at resibo.  Tiyakin lagi na parehas mong hawak ang iyong pera at card.