Mga serbisyong pang imigrasyonPrint

Immigration Services in Hong Kong

 

Impormasyon tungkol sa Hong Kong Identity(ID) Cards:

Ang mga residente ng Hong Kong na may edad 18 o pataas ay dapat na magpa-rehistro para sa ID card na pang-adult. Kung ikaw ay bagong dating na may edad 18 o pataas at pinahintulutang manatili sa Hong Kong nang mas mahigit sa 180 araw, dapat kang magpa-rehistro para sa ID card sa loob ng 30 araw mula sa iyong pagdating.

Walang bayad ang pagpaparehistro ng ID card sa unang pagkakataon. Subalit kapag ang iyong ID card ay nawala, nawasak, o nasira, dapat kang magbayad HK$ 335 upang makakuha ng kapalit nito. Para sa pagpapapalit ng ID card o pagbabago ng mga detalye nito, ang bayad ay HK$ 420.

Kapag ang iyong ID ay nawala, nawasak, o nasira, dapat mo itong ipagbigay alam sa Immigration Department at mag-apply para sa kapalit nito sa loob ng 14 araw. Kung papalitan mo ang iyong ID card, dapat mong ibalik  ang iyong kasalukuyang ID card sa Immigration Department para makansela ito sapagkat sa ilalim ng mga regulasyon sa Registration of Persons, ang sinumang nagmamay-ari ng mas higit sa isang ID nang walang  makatwirang kadahilanan ay gumagawa ng kasalanan at dapat managot sa multang nagkakahalaga ng HK$50,000 at 2 taong pagkabilanggo.

Panatilihing nasa wastong kalagayan ang iyong ID card at dalhin ito sa lahat ng oras matapos mong maabot ang 15 taong gulang. Para mapangalagaan ang iyong ID card mula sa posibleng pagkasira, huwag mo itong itupi, o ilagay malapit sa magnet o kaskasin o kaya’y tanggalin ang chip mula sa kard.

Maaaring mag-apply upang magparehistro ng ID card sa mga sumusunod na address:

8/F, Immigration Tower
7 Gloucester Road, Wan Chai
(MTR Wan Chai Station – Exit A5)

Mga Oras na Bukas ang Tanggapan:
8:45 am – 4:30 pm (Lunes hanggang Biyernes)
9 – 11:30 am (Sabado)
Sarado tuwing Linggo at Public holiday

Telepono: 2824 6111

 

Impormasyon tungkol sa Hong Kong Visas:

Sa pangkalahatan, maliban kung ang isang tao ay mayroong “right of abode” o “right to land” sa Hong Kong, siya ay nangangailangan ng entry visa/permit para magtrabaho, mag-aral, magtatag o sumali sa anumang negosyo.

Ang pag-apply para sa entry visa upang makapasok sa Hong Kong upang bumisita (paglilibang, panlipunan o negosyo) ay maaaring sang-ayunan bilang pagsaalang-alang kapag:

  1. ang katapatan ng aplikante ay walang kaduda-duda;
  2. ang aplikante ay may sapat ng pondong gagamitin sa kanyang pamamalagi nang hindi nagtatrabaho; at
  3. ang aplikasyon ay para sa transit visa/permit, siya ay may hawak na tiket papunta sa lugar ng kanyang destinasyon.

Para sa sponsor na Hong Kong Permanent resident o residente na hindi napapailalim sa limitasyon ng pananatili sa HK, ang mga sumusunod na mga dependant ay maaaring mag- apply ng resident visa upang makasama ang sponsor sa paninirahan sa HKSAR:

  1. ang kanyang asawa;
  2. ang kanyang mga anak na wala pang asawa at may edad na hindi lalampas sa 18; at
  3. ang kanyang magulang na may edad 60 o pataas.

Ang dependant ay maaaring mag-apply,  para maipagpatuloy ang paninirahan sa HKSAR, sa loob ng 4 na linggo bago matapos ang ibinigay na hangganan ng pananatili(limit of stay) sa Hong Kong. Ang bayad para sa ordinary visa ay HK$ 160 at para sa transit visa ay HK$ 84.

Kung nais mong magkaroon ng karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang Immigration Department ng HKSAR sa telepono (852) 2824 6111, sa fax (852) 2877 7711; o sa pamamagitan ng internet sa http://www.immd.gov.hk/.