Babala tungkol sa mataas na antas ng mga kaso ng Scarlet FeverPrint

Babala tungkol sa mataas na antas ng mga kaso ng Scarlet Fever

 

Inanyayahan ng Sentro ng Pangangalaga sa Kalusugan (CHP) ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga miyembro ng publiko na panatilihin ang pag-iingat laban sa Scarlet Fever habang ang bilang ng mga naiulat na kaso ay nananatiling mataas ang antas.

 

Sa ngayon, nagkaroon na ng anim na panimulang paglaganap sa taong 2011 na kinasasangkutan ng tatlong kindergarten/sentro ng pangangalaga sa mga bata, dalawang eskwelahang pang-primarya at isang pantahanang sentro ng pangangalaga para sa mga batang may espesyal na pangangailangan. Dalawampu’t-dalawang (22) mga tao ang apektado sa kabuuan.

 

Ang Scarlet Fever ay sanhi ng Group A Streptococcus bacteria at maaring malunasan gamit ang naaangkop na mga antibayotiko. Ang sakit na ito ay karaniwang nakakaapekto sa mga bata na mas mababa sa 10 taong gulang at nagpapakita bilang lagnat, namamagang lalamunan at pantal. Ang pantal ay lumilitaw sa katawan at leeg at kumakalat sa mga kamay at paa lalo na sa kili-kili, siko at singit. Ang sakit ay karaniwang banayad ngunit maaaring gawing kumplikado ng pagkasindak at mga sakit sa puso at bato. Ang Scarlet Fever ay maaaring kumalat alinman sa pamamagitan ng ruta ng respiratoryo o direktong kontak sa mga nalalinang likido mula sa panghinga. Ang mga taong pinaghihinalaang may Scarlet Fever ay dapat kumonsulta sa mga doktor.

 

Upang maiwasan ang impeksiyon, ang publiko ay pinapayuhan na:

  • Panatilihin ang mainam na kalinisan sa katawan at kapaligiran;
  • Panatilihing malinis at hugasang mabuti ang mga kamay;
  • Hugasan ang mga kamay kapag ang mga ito ay nadumihan ng mga likido mula sa respiratoryo, hal. pagkatapos bumahin;
  • Takpan ang ilong at bibig sa pag-bahin o pag-ubo at itapon ng maayos ang mga dumi mula sa ilong at bibig; at
  • Panatilihing mainam ang bentilasyon.

 

Lunes, Hunyo 20, 2011 nailathala sa HKT 18:35

 

Pinagmulan :

Ang Sentro ng Pangangalaga sa Kalusugan (CHP) ng Kagawaran ng Kalusugan

www.chp.gov.hk/en/view_content/23359.htm

 

Leave a Reply