Sistema ng EdukasyonPrint

Sistema ng Edukasyon

Sa Hong Kong, kinakailangang kumpletuhin ang siyam na taong pag-aaral, anim na taon sa mababang paaralan o primary school at ang unang tatlong taon sa mataas na paaralan o junior secondary school. Gayunman, karamihan sa mga estudyante ay nag-aaral muna sa kindergarten K1 hanggang K3 bago pumasok sa mababang paaralan.

Sa mataas na paaralan o secondary school, pagkatapos ng kinakailangang tapusin na unang tatlong taon para sa S1 hanggang S3, may susunod na dalawang taong pag-aaral para sa S4 hanggang S5 at pagkatapos ay dalawang taong pang-matrikula sa S6 hanggang S7. Ang mga estudyanteng nakatapos sa mataas na paaralan ay maaaring pumasok sa iba’t ibang kursong post-secondary, vocational, o tertiary na iniaalok ng ibat’t ibang mga institusyon batay sa resulta ng pagsusulit sa HKCEE(Hong Kong Certificate of Education Examinations) pagkatapos ng S5 o sa HKALE(Hong Kong Advanced Level Examinations) pagkatapos ng S7. Subalit ang sistemang ito ay papalitan sa bagong kurikulum: ang NSS (New Senior Secondary) na sinimulan na sa mga mag-aaral sa S4 ng pampaaralang taon 2009-2010. Unti-unting tatapusin ng bagong kurikulum ang HKCEE (ang huling eksaminasyon ay gaganapin sa Mayo 2010) at ang HKALE (ang huling eksaminasyon ay gaganapin sa Mayo 2012). Sa bagong kurikulum (3+3+4), mayroong unang tatlong taon para sa junior secondary, na susundan ng tatlong taon para sa senior secondary upang magkaroon ng HK Diploma of Secondary Education (HKDSE) pagkatapos ng pangatlong taon nito.

 

Bagong Kurikulum

Kindergarten (Prep)

6

P1 – P6 (Mababang Paaralan)

6

S1 – S3 (Mababang Antas sa Sekondarya)

6

S4 – S6 (Mataas na Antas sa Sekondarya)

6

Hong Kong Diploma of Secondary Education(HKDSE)

2-Taon sa Community College

4-Taon sa Kolehiyo o Unibersidad

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bagong kurikulum, mangyaring sumangguni sa:

http://334.edb.hkedcity.net/EN/index.php

 

Paunawa: Ang kurikulum na nakasaad sa itaas ay hindi akma sa mga paaralang independiente o pribado (kasama ang English Schools Foundation (ESF) at mga International school) na sumusunod sa kurikulum ng US, UK, IB o iba pa bansa sa labas ng Hong Kong.