School Placement ServicePrint

Serbisyo para sa Paghahanap ng Mapapasukang Paaralan

Ang pagpuwesto sa unang antas ng primarya / unang antas ng secondarya sa paaralan ay pangkaraniwang inilalaan ng Education Bureau (EDB) sa pamamagitan ng Central Allocation System.

Kung may bagong dating na mga bata na nais mag-aral sa unang antas ng primarya o secondarya sa umpisa ng paaralang taon (ang pagbubukas ng paaralan ay karaniwang nagsisimula sa mga unang araw ng Setyembre), ang mga magulang ay dapat na mag-aplay para sa sentral alokasyon sa School Places Allocation Section ng EDB bago magsimula ang panibagong pagbubukas ng paaralan. 

Para sa mga batang dumating sa Hong Kong pagkatapos makapagsimula ang pagbukas ng paaralan (sa madaling salita ay makalipas ang ika-1 ng Setyembre), ang mga magulang ay dapat na isama ang kanilang mga anak at dalhin ang mga dokumentong pagkakakilanlan ng kanilang mga anak, ang katibayan ng natamong kwalipikasyong pampaaralan at ang katibayan ng tinitirhang bahay (parehong mga orihinal at mga kopya) upang magpa-rehistro para matulungan kayo ng Regional Education Offices (Mga Opisinang Pang-Rehiyon ng Education Bureau).

Hotline ng Education Bureau (EDB):2891 0088

MGA OPISINANG PANG-REHIYON NG EDUCATION BUREAU
Hong Kong Regional Education Office

2863 4646

Kowloon Regional Education Office

3698 4108

NT East Regional Education Office

2639 4876

NT West Regional Education Office

2437 7272

 

ALOKASYON NG PUWESTO SA PAARALAN
Primary One Admission

2832 7700

Secondary School Places Allocation

2832 7740

Secondary Four Placement

2832 7770

Student Information Management

2832 7740