Legal AidPrint

Legal Aid
 

Ang Legal Aid Department ay nagbibigay ng legal na representasyon sa mga karapat-dapat na aplikante sa pamamagitan ng isang abogado, at kung kinakailangan, isang tagapagtanggol sa sibil o kriminal na paglilitis.
Ang legal aid ay magagamit sa mga kaso sa District Court, Court of First Instance, Court of Appeal at sa Court of Final Appeal. Ito ay magagamit din para sa mga paglilitis sa Magistrates Courts.

 

Sinumang tao, residente man sa Hong Kong o hindi, na kasangkot sa mga paglilitis sa mga nabanggit na hukuman ay maaaring mag-aplay para sa legal aid. Ang Legal aid ay maibibigay kung ang aplikante ay kayang maabot ang mga isinabatas na mga rekisito gaya ng pagiging karapat-dapat batay sa kanyang pananalapi at kung karapat-dapat ang pagkuha o pagdepensa sa kaso.

Para sa mga legal aid na serbisyo. maaari kang tumawag sa: 2537 7677 o pumunta sa:
Headquarters

24 / F, Queensway Government Offices

66 Queensway, Honkong

 

Kowloon Branch Office

 

G / F, Mongkok Government Offices,

30  Luen Wan Street,
Mong Kok, Kowloon.

Sa pagsisikap na maitaguyod ang mga serbisyong legal aid para sa mga etnikong minorya na naninirahan Hong Kong, ang Legal Aid Department ay naglathala ng mga leaflets, sa wikang Vietnamese, Punjabi, Bengali, Hindi, Indonesian, Nepali, Tagalog,  Thai at Urdu, na makukuha na ngayon sa anumang opisina ng Kagawaran o maaaring mai-download mula sa website ng Kagawaran:

http://www.lad.gov.hk/eng/ppr/publication/information_leaflet.html