Mag-ingat sa Mapanlinlang na Trabaho!Malaking Puhunan ≠ Malaking KitaPrint

Mag-ingat sa Mapanlinlang na Trabaho!

Malaking Puhunan ? Malaking Kita

? Mag-ingat kapag ang isang kompanya ay nag-aalok sa iyo ng trabaho na may hindi pangkaraniwang komisyon.

? Mag-ingat kapag ang isang kompanya ay nag-aalok sa iyo ng trabaho ngunit pinapabili ka ng kanilang mga produkto/paninda sa malaking halaga .

? Mag-ingat kapag ang trabaho ay inaatasan kang magbayad ng malaking halaga para makasali sa scheme at magkakaron ng kita sa pamamagitan ng pagsapi ng iyong mga kaibigan, kamag-anak at iba pa bilang mga bagong miyembro.

? Mag-ingat kapag ang trabaho ay tungkol sa pahagdan (hierarchical) na paghahati ng komisyon.

Kapag naranasan mo ang alinman sa nasabing situwasyon, maaaring ikaw ay nalinlang ng pyramid selling.

Ang Pyramid selling ay isang madayang pangangalakal na ginagamit ng mga kompanya upang magkaroon ng malaking kita sa pamamaraang nabanggit sa itaas. Ini-report ng mga biktima ng pyramid selling na sila ay sapilitang hinikayat na humiram ng pera upang bumili ng mga produktong kagaya ng alak, mga gamit na pampaganda at pabango na nagkakahalaga ng mas mataas pa sa presyo sa merkado. Sinabihan ang mga biktima na sila ay kikita sa pamamagitan ng mga komisyon at magtatagumpay ang kanilang pagnenegosyo. Kinumbinsi rin sila na hikayatin ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak na sumali sa kompanya upang kumita ng komisyon. Mayroong biktima na nasadlak lang sa utang na umabot sa HK$400,000.

Dapat ay huwag mong tanggapin ang iniaalok na trabaho kung nag-aalinlangan ka na isang bitag ito sa pyramid selling. Ikaw ay dapat na:

1. Maging maingat  kapag kinakailangan mong pumirma sa mga dokumentong nakasulat sa wikang hindi mo lubos na naiintindihanan.

2. Maging maingat kapag kinakailangan mong magbayad ng pera sa pagbili ng kanilang mga produkto o pagsali sa  kanilang scheme.

3. Maging maingat kapag ang trabaho ay maliit ang sahod o walang basic salary pero mataas ang komisyon.

4. Maging maingat kapag ang job interview sa kompanya ay nakatuon lamang sa paghikayat na bumili ka ng mga produkto o magbayad ka ng pera. Kung may nararamdaman kang kaduda-duda sa iyong trabaho, huwag mag-atubiling lisanin na ang lugar.

Ang mga sumusunod na  mga link sa Labour Department ay makakatulong na mapag-aralan mo ang iba pang mga kilalang-kilalang mga panlilinlang sa trabaho dito sa Hong Kong; palakasin ang iyong kasanayan sa paghahanap ng trabaho.

http://www.labour.gov.hk/eng/public/eip/BewareJobTrap.pdf

http://www.labour.gov.hk/eng/public/eip/JobHunting.pdf

Leave a Reply