Kaligtasan sa tahananPrint

Pagkakahulog – sanhi ng hindi pangkaraniwang kamatayan ng mga bata

 

Ang Hong Kong ay isang maliit, maunlad at mataong lugar. Ang unang ulat ng Pilot Project on Child Fatality Review (Enero 2010) ay ipinahiwatig na sa taong 2006, sa 109 na namatay, 46 ang kaso ng hindi pangkaraniwang kamatayan ng mga bata.  Ang pagkahulog ay isa sa mga karaniwang dahilan ng pinsala at kamatayan ng mga bata na may edad mula lima pababa.

 

Sa masyadong masikip at siksikang kapaligiran sa mga tahanan sa Hong Kong, ang dalawang palapag na higaan ay nagsisilbing malaking katipiran sa espasyo at ito’y madalas na ginagamit bilang lugar para sa mga gawain at bilang laruan ng mga bata.  Karamihan sa mga nahuhulog ay mga sanggol na natutulog sa higaan na walang harang.

Maraming mga bata ang iniiwanan ng walang kasama sa bahay dahil sa tumataas na numero ng mga magulang na nagtatrabaho at ang mga bata ay nasa peligro na magtamo ng sugat sa loob ng bahay. Isa sa malalang insidente ay ang pagkamatay ng labing-apat na buwang gulang na sanggol matapos na ito ay mahulog mula sa ika-pitong palapag (may taas na 21 metro) sa isang apartment sa Yau Ma Tei. Ang ina ng bata ay inaresto at ikinulong ng mga pulis base sa kaso ng kapabayaan sa anak. (The Standard: 14th. Oct. 2009)

Ang pamahalaan ay naglunsad ng iba’t ibang mga proyekto sa pamamagitan ng Social Welfare Department at ng mga Non-Government Organizations na magbigay ng child-care services sa mga nangangailangang pamilya at sa mga magulang na hindi makapagbigay ng sapat na aruga sa kanilang mga anak dahil sa pagtatrabaho o iba pang dahilan tulad ng malalang sakit, at pag-aalaga ng matanda sa bahay.  Dagdag pa sa child-care centers, ang pamahalaan ay nagsimulang magbigay ng  iba’t ibang uri ng child service centers na babagay sa pangangailangan ng mga magulang upang matugunan ang iba’t ibang oras ng kanilang trabaho:

1. Kindergarten na may child care centre

2. Pinahabang Oras ng serbisyo

3. Day Foster Care

4. Day Small Group Home

May mga 230 na manaka-nakang mga childcare unit sa Hong Kong, bawat isa ay nagbibigay ng medyo murang serbisyo para sa pansamantalang pag-aalaga ng mga bata sa halagang HK$32 para sa kalahating-araw na sesyon.

Para sa mga katanungan at detalyadong impormasyon ng kinaroroonan ng mga serbisyo, maaari kang makipag-ugnayan sa Social Welfare Department Hotline 23242255.

Para sa suporta sa wika, mangyaring tumawag sa hotline ng aming Serbisyong Interpretasyong Pang Telepono (TELIS).

 

Tagalog 3755 6811