Hong Kong VisaPrint

Mga Visa sa Hong Kong

Sa pangkalahatan, maliban na lang kung ang isang tao ay mayroon ng karapatang manirahan o karapatang tumuntong sa Hong Kong, siya ay kinakailangan kumuha ng entry visa/permit para makapagtrabaho, makapag-aral, makapagtatag o makasali sa anumang negosyo.

Ang aplikasyon para sa entry visa para sa pagbisita sa Hong Kong (maglibang, makisalamuha o mag-negosyo) ay maaaring maaprubahan kung:

  • Ang katapatan ng aplikante ay hindi kaduda-duda;
  • Ang aplikante ay may sapat na pondong gagamitin sa kanyang pamamalagi nang hindi nagtatrabaho; at
  • Kung saan ang aplikasyon ay para sa transit visa/permit, siya ay may hawak na tiket papunta sa lugar ng kanyang destinasyon.

Para sa sponsor na may estado na permanent resident ng Hong Kong o residente na hindi napapailalim sa limitasyon ng pananatili sa Hong Kong (iyon ay, residente na mayroong karapatang tumuntong sa Hong Kong o mayroong unconditional stay ), ang mga sumusunod na mga dependant ay maaaring mag-aplay upang makasama siya sa paninirahan sa HKSAR:

  1. ang kanyang asawa;
  2. ang kanyang mga anak na wala pang asawa na may edad na hindi lalampas sa 18; at
  3. ang kanyang magulang na may edad 60 o pataas.

Ang dependant ay maaaring mag-aplay para maipagpatuloy ang paninirahan sa HKSAR sa loob ng 4 na linggo bago matapos ang kanyang limitasyon ng pananatili sa Hong Kong. Ang bayarin para sa ordinaryong visa ay HK$ 160 at para sa transit visa ay HK$ 84.

Kung nais mong makakuha ng karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang Immigration Department ng HKSAR sa telepono (852) 2824 6111, sa fax (852) 2877 7711; o sa pamamagitan ng  Internet http://www.immd.gov.hk/.