Hong Kong Identity CardPrint

Mga Hong Kong Identity Kard

Ang lahat ng mga residente sa Hong Kong na may edad 11 o pataas ay dapat na magpa-rehistro para sa ID kard, maliban doon sa mga hindi kasali. Kailangan mong panatilihing nasa maayos na kundisyon ang iyong ID Kard, at dalhin ito sa lahat ng oras matapos mong maabot ang 15 taong gulang. Ang mga residente ng Hong Kong na may edad 18 o pataas ay dapat na magpa-rehistro para sa ID kard na pang-adult. Kung ikaw ay bagong dating na may edad 18 o pataas at pinahintulutang manatili sa Hong Kong ng mahigit sa 180 araw, dapat kang magpa-rehistro para sa ID kard sa loob ng 30 araw mula sa iyong pagdating.

Walang bayad ang pagpaparehistro ng ID kard sa unang pagkakataon. Subalit kapag ang iyong ID kard ay nawala, nabura, o nasira, dapat kang magbayad ng HK$ 335 upang makakuha ng kapalit nito. Para sa pagpapalit ng ID kard dahil sa pagbabago ng mga detalye nito, ang bayad ay HK$ 420.

Kapag ang iyong ID kard ay nawala, nawasak, nasira o nabura, dapat mo itong ipagbigay-alam sa Immigration Department at mag-aplay para sa kapalit nito sa loob ng 14 araw. Kung papalitan mo ang iyong ID kard, dapat mong ibalik ang iyong kasalukuyang ID kard sa Immigration Department para makansela ito sapagkat sa ilalim ng mga Regulasyon ng Registration of Persons, ang sinumang nagmamay-ari ng mas higit pa sa isang ID kard nang walang sapat na dahilan ay lumalabag sa batas at dapat managot sa multang nagkakahalaga ng HK$50,000 at 2 taong pagkabilanggo.

Para mapangalagaan ang iyong ID kard mula sa posibleng pagkasira; huwag mo itong baluktutin, o ilagay malapit sa magnet, o kaskasin, o kaya ay tanggalin ang chip mula sa kard.

Upang makakuha ng ID kard, mag-apply sa Registration of Persons Office ng Immigration Department ayon sa nakalista sa ibaba. Tandaan na kailangang dalhin ang iyong pasaporte o ibang mga dokumento sa pagbibiyahe para sa aplikasyon..

Pangalan ng Opisina

Address

Telepono

Fax

Registration of Persons – Hong Kong Office 8/F, Immigration Tower 7 Gloucester Road Wan Chai, Hong Kong (Wan Chai MTR Station – Exit A) 2824-6111 2824-1810
Registration of Persons ­- Kowloon Office 3/F, Cheung Sha Wan Government Offices 303 Cheung Sha Wan Road Kowloon (Sham Shui Po MTR Station – Exit C1) 2150-7933 2369-4825
Registration of Persons – Kwun Tong Office Shop Nos. 25-35 & 43-45 G/F, Wharf T & T Square 123 Hoi Bun Road Kwun Tong, Kowloon (Ngau Tau Kok MTR Station – Exit B6) 2755-9545 2795-3625
Immigration and Registration of Persons – Fo Tan Office Shops 405-406, 4/F Jubilee Court Shopping Centre 2-18 Lok King Street Fo Tan, New Territories (Fo Tan KCR Station – Exit C) 2653-3116 2650-4766
Immigration and Registration of Persons – Yuen Long Office Shop B, G/F Manhattan Plaza 23 Sai Ching Street Yuen Long, New Territories (Tai Tong Road Light Rail Station) 2475-4114 2474-3962

Para makatipid sa oras, ikaw ay inaabisuhan na gamitin ang 24-Oras na Appointment Booking System upang maitakda muna ang pakikipagkita sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono 2598-0888 o sa website http://www.gov.hk/en/residents/immigration/idcard/hkic/bookregidcard.htm.