Ang Programa sa Pagbabakuna para sa Swine InfluenzaPrint

Ang Programa sa Pagbabakuna para sa Swine Influenza

Mula sa panahon ng kasagsagan ng influenza, ang  Gobyerno ay magbibigay ng programa ng pagbabakuna para sa limang target na grupo. Lahat ng residente ng Hong Kong na kasama sa grupong ito ay maaaring mabigyan ng libreng bakuna sa mga pampublikong pagamutan, o sa mga pribadong doktor na nagpatala sa Human Swine Influenza Vaccination Subsidy Scheme (HSIVSS)  sa mas mababang halaga.  

Ang mga kasama sa target na grupo para sa pagbabakuna ng human swine influenza ay:

(a) Mga bata na may edad sa pagitan ng 6 na buwan at mababa sa 6 na taon     

(b) Mga matatanda na may edad 65 na taon o pataas

(c) Mga taong may malalang sakit at mga nagdadalang-tao

(d) Mga nagtatrabaho sa babuyan at katayan ng baboy

(e) Mga manggagawa ng healthcare

Sa ilalim ng Elderly Vaccination Subsidy Scheme (EVSS),  nagbigay ng $130 na subsidy ang gobyerno para sa mga matatanda na may edad 65 o pataas upang tumanggap ng pagbabakuna para sa panahunang influenza at $190 na subsidy para sila ay tumanggap ng pneumococcal na pagbabakuna sa mga nakatalang pribadong doktor sa ilalim ng EVSS.                                                                                                                                                                                                                                             

Bukod dito, ang mga batang may edad sa pagitan ng anim na buwan at mababa sa anim na taon na may residenteng estado sa Hong Kong ay may karapatang tumagggap ng subsidy mula sa gobyerno sa halagang $80 bawat dosis ng pagbabakuna para sa influenza na pinangangasiwaan ng mga pribadong doktor sa ilalim ng Childhood Influenza Vaccination Subsidy Scheme (CIVSS).

Enquiry Hotline:

Organisasyon Hotline Mga Oras na Bukas ang Tanggapan
Centre for Health Protection 2125 2125 9:00 a.m.- 5:30 p.m.
(Lunes hanggang Biyernes)

Ang mga listahan ng mga doktor na nagpatala sa EVSS at CIVSS, address at telepono ng mga pagamutan ay maaaring makuha sa Centre for Health Protection (website: www.chp.gov.hk ).

Ang programang ito ay inilunsad ng Centre for Health Protection.

Comments are closed.