Mga Katangian at Layunin
Ang Sentro ng Mga Etniko Minorya (CHEER) ay pinondohan ng Kagawaran ng Affairs Department (HAD) mula noong 2009 para sa pagbibigay ng mga makukuhang serbisyo para sa mga etniko minorya sa Hong Kong Sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong interpretasyon at mga iba’t-ibang uri ng programa, ang CHEER ay nakatuon na makamit ang mga sumusunod na layunin:
- Upang tulungan ang mga etniko minorya paano malaman at makuha ang mga mahahalagang serbisyo at pampublikong mapagkukunan.
- Mapahusay ang kasanayan ng mga etniko minorya sa Tsino at Ingles.
- Mapahusay ang kakayahan ng mga etniko minorya sa paglutas ng problema at pagsasaayos sa Hong Kong.
- Maisulong ang panlipunang pagsasama at integrasyon sa Hong Kong.
Ang serbisyong ito ay pinopondohan ng Kagawaran ng Home Affairs
Target ng Serbisyo
Lahat ng etniko minorya sa Hong Kong, at lahat ng organisasyong naglilingkod sa mga etniko minorya.
Aplikasyon sa Serbisyo
- Lahat ng mga etniko minorya ay maaaring tumawag sa mga Hotline ng TELIS, whatsapp o bumisita sa aming Sentro upang mag -enroll para magamit ang aming mga libreng serbisyo. Kasama sa aming mga serbisyo ang serbisyong panginterpretasyon, wika at mga programa sa pagsasanib, pagpapayo, paggabay at mga serbisyong pag-sasangguni.
- Lahat ng organisasyong naglilingkod sa mga etniko minorya ay maaaring tumawag sa mga Hotline ng TELIS, mag-email o sa i-fax ang mga kahilingan sa Sentro sa mga oras ng operasyon. Kasama sa aming mga serbisyo ang mga serbisyong interpretasyon at pagsasalin (Walang bayad para sa mga NGO at lahat ng hindi-kumikitang kindergarten, primarya at sekondaryang paaralan, mga kolehiyo na nakalista sa EDB), libreng mga sesyong pang-impormasyon tungkol sa mga serbisyong interpretasyon at pagsasalin at kamalayan sa kultura.
Pag-urong sa Serbisyo: Maaaring umalis ang mga tagagamit ng serbisyo sa aming mga serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pasabing kahilingan sa aming kawani para sa pagwawakas.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyong pagsasalin at interpretasyon, mangyaring i-click dito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang mga programa, mangyaring i-click dito.