Typhoon Signal No. 8 at 6:20 p.m.

Ang Obserbatoryo ay maaaring maglabas ng hudyat ng bagyo Blg. 8 mamayang
alas 6:20 p.m ng hapon. Dapat umiwas ang publiko sa dalampasigan at huwag
magsagawa ng mga palarong-tubig. Ang mga nagtatrabaho o may gawain sa labas
ay dapat ding magmatyag sa sa pagbabago ng panahon. Pansinin ang pinakahuling
ulat sa lagay ng panahon pati na rin ang mga sumusunod na hakbang sa pag-iingat –
Mga pag-iingat
1. Mangyaring gawin ang pag-iingat sa lalong mas madaling panahon. Tiyaking na
maaaring malipad ay maitali ng maayos o maipasok sa loob. Suriin kung
maikakandado ng maayos ang mga bintana at pintuan.
2. Ang mga kanal ay dapat walang dahon at basura. Ang mga taong nasa
mabababang lugar ay dapat mag-ingat laban sa pagbaha.
3. Dahil sa daluyong ng bagyo, ang ibang mabababang lugar ay maaaring
magkaroon ng pagbaha o pag-apaw ng tubig dagat. Mangyaring mag-ingat, at
umiwas sa mga mapananib na lugar.
4. Para sa kaligtasan, ipinapayong ipagpaliban ang lahat ng mga gawain sa labas.
Mangyaring magbigay ng angkop na tulong sa mga nangangailangan kabilang ang
mga nakakatanda at mga taong may hamon sa pagkilos.
5. Iwasan ang pananatili sa mga mahahanging lugar. Ang mga nagmamanehong
nasa highway at flyover ay dapat maging listo sa mga marahas na bugso ng hangin.
6. Ang mga tagapamahala sa kontruksyon at mga lupain ay dapat tiyaking ang mga
kagamitang nakasabit at mga pansamantalang istruktura sa labas ay maayos na
nakatali o mailagay sa lapag, at tapusin ang mga hakbang sa pag-iingat sa lalong
madaling panahon.
7. Dapat kumpletuhin na ngayon ng mga may-ari ng maliliit na sasakyang-dagat ang
lahat ng kaayusan sa kaligtasan at bumalik sa mga kalapit na silungan ng bagyo.
8. Ang mga maliliit na sasakyang pandagat na wala pa sa mga silungan ng bagyo ay
dapat humanap ng silong nang walang pagkaantala. Gumamit ng mabibigat na
angkla at suriin na ang lahat ng mga nakakabit sa kubyerta ay mahigpit na nakakabit.
9. Makinig sa radyo, manood ng TV o tingnan ang websayt at mobile app ng
Obserbatoryo ng Hong Kong para sa pinakabagong impormasyon sa tropikal na
bagyo.

Share:
Mangyaring pumili ng wika