Suriin ang uri ng trabaho at tukuyin kung ang puwesto ay nangangailangan ng kandidato na magbasa/magsulat/makinig/magsalita sa Cantonese o Ingles. Nakakatulong ito sa iyo para mas madaling mahanap ang tamang kandidato!
Gusto mong mag-empleyo ng kawani para sa pag-empake, kailangan lang ng kawani na balutin ang produkto at hindi kailangan makipag-ugnayan sa iba.
i.e. kailangan mong mag-empleyo ng kawani na walang/may mababang kaalaman sa Cantonese/Ingles.
Gusto mong mag-empleyo ng tagamaneho ng trak at mayroong isang Tsinong manggagawa na nakakabasa ng address.
i.e. Kailangan mong mag-empleyo ng kawani na walang/may mababang kaalaman sa Cantonese/Ingles ngunit sapat na kaalaman sa pagsasalita ng Cantonese/Ingles para siya ay makapag-usap sa Tsinong manggagawa.
2. Pagiging sensitibo sa kultura
– Pansinin ang kasalukuyang kawani tungkol sa pagtatrabaho ng mga kawani ng etniko minorya. Ibahagi ang impormasyon sa itaas. Nakakatulong ito upang lumikha ng mas nakakaunawang kapaligiran sa pagtatrabaho.
Ayusin ang oryentasyon sa mga tauhanng etniko minorya. Kung kinakailangan, isalin ang mga pangunahing punto sa Ingles o sa kanilang mga wikang etniko upang matiyak na lubos na nauunawaan ng kawanng etniko minorya ang mahahalagang tala.
Ipaliwanag nang malinaw ang Dos at Don’t sa mga tauhang etniko minorya at ang dahilan sa likod nito upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan.
Mayroon bang anumang serbisyo mula sa CHEER na maaaring tumulong sa akin na mag-empleyo ng etniko minorya?
- Malugod na tinatanggap ang mga maypagawa na magbigay ng impormasyon ng mga bakanteng trabaho sa CHEER sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Form ng Job Vacancy.
- Ipoproseso ng CHEER ang aplikasyon ng bakante ng iyong kumpanya sa lalong madaling panahon kapag natanggap ang Form ng Job Vacancy.
- Ang bawat bakanteng utos ay mananatiling balido sa loob ng 2 buwan
- Hinihiling sa iyo na huwag magsumite ng parehong aplikasyon sa yugto ng pagpoproseso ng bakante o kapag may bisa pa ang bakanteng utos. Kung binago mo ang iyong paraan ng pakikipag-ugnayan o mga tuntunin ng trabaho, o kung napunan ang bakante, mangyaring abisuhan kami kaagad.
- Inilalaan ng CHEER ang karapatang baguhin ang mga nilalaman ng mga bakanteng utos; at iproseso o tanggihang ipakita ang anumang mga bakanteng utos na ibinigay mo sa CHEER at sa websayt ng CHEER.