- Ang serbisyo ng subtitling ay isang karagdagang serbisyo para sa serbisyong pagsasalin mula Ingles sa 8 wikang EM. Kabilang sa proseso ang transkripsyon, timecoding at pagsasalin ng video.
- Ang SUBS ay ipinagkakaloob SA KAHILINGAN NG MGA TAGABIGAY NG PAMPUBLIKONG SERBISYO.
Maaaring ipadala ng mga tagabigay ng pampublikong serbisyo ang kanilang kahilingan sa pamamagitan ng fax (+852 3106 0455), email (tis-cheer@hkcs.org) o mag-apply online nang maaga ng hindi bababa sa 14 na araw ng trabaho.
- Ang karaniwang yugto ay 14 araw para sa mga video na hanggang 5 minuto. Ang mga kahilingang hihigit sa 5 minuto ay susuriin ayon sa yugto at nilalaman.
- Ang format na ibibigay ay nasa SRT.
- Ang mga subtitle ay maaaring ilakip sa video kapag hiniling nang walang mga karagdagang singil.
- Ang voice-over ay hindi kasama sa serbisyo.
Ang mga singil sa serbisyo ay ang sumusunod:
Mga kagawarang pampamahalaan at pampublikong yunit | Mga Paaralan at NGO | |
Ingles na Transkripsyon | $100 kada minuto | Libre ang unang 3 minuto;
$50 kada minuto pagkatapos. |
Ang subtitling sa mga wikang EM | $600 kada minuto | Libre ang unang 3 minuto;
$200 kada minuto pagkatapos. |
*(Pinakamababang singil ay 1 minuto bawat hiling)
*(Ang Ingles na transkripsyon ay hindi nag-iisang hiling. Ito ay dapat hilingin na may serbisyong subtitling.)