Serbisyong Magkakasabay na Interpretasyon (SIS)

  • Harapang interpretasyon kung ang tagasaling wika ay pisikal na nasa parehong lugar ng tagabigay ng pampublikong serbisyo at ang mga EM. Nagbibigay ito ng suporta sa mga tagabigay ng pampublikong serbisyo sa pagpapadala ng mahahalagang impormasyon sa kani-kanilang grupo ng mga EM sa mga workshop at seminar.
  • Ang SIS ay ibinibigay SA KAHILINGAN NG TAGABIGAY NG PAMPUBLIKONG SERBISYO.
  • I-download ang Form ng Kahilingan sa SIS.

Maaaring gumawa ng appointment ang mga tagabigay ng pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng fax (+852 3106 0455), email (tis-cheer@hkcs.org) o mag-apply online nang maaga na hindi bababa sa 21 araw ng trabaho.

Lunes hanggang Biyernes: 10 am – 6 pm
Sabado: 10 am – 2 pm
*Ang mga serbisyo ay ipagkakaloob ayon sa pangangailangan kung labas sa oras ng operasyon ngunit mananatiling sarado sa mga Pampublikong Holiday

Ang mga singil sa serbisyo para sa mga tagabigay ng pampublikong serbisyo mula sa mga Kagawaran ng Pamahalaan at mga*NGO ay ang mga sumusunod:
  1. $200/oras para sa SIS sa oras ng operasyon.
  2. $400/oras para sa SIS na labas sa oras ng operasyon.
  3. Walang bayad para sa mga NGO* at mga Paaralan.
    *Sisingilin ang ilang pagsasanay na ibinigay sa mga NGO.

Mangyaring pumili ng wika