Paano mapagaan ang mga hadlang sa wika?

Tanong: Maaari ba akong tumawag sa CHEER para sa serbisyong interpretasyon?

Sagot: Oo! Ang CHEER ay nagbibigay ng walang bayad na Serbisyong Interpetasyong Pantelepono (TELIS) para sa lahat ng etniko minorya sa Hong Kong!
Sa mga oras ng operasyon ng TELIS (Lunes hanggang Linggo 8am hanggang 10pm, maliban sa mga pampublikong holiday), ang tagapagsalin wika ng CHEER ay nagbibigay ng agarang suporta sa TELIS sa iyo!

telis

Tanong: Gusto kong makipag-usap sa guro ng paaralan at mayroon akong medikal na appointment sa lalong madaling panahon, maaari ko bang hilingin sa mga tagabigay ng serbisyo na ayusan ako ng isangtagapagsalin wika?

Sagot: Oo naman! Ang CHEER ay nagbibigay ng Serbisyong Interpresyong On-Site (OIS), na isang harapang serbisyo ng interpretasyon sa pagitan mo, sa tagabigay ng serbisyo at ang tagasaling wika.
Dahil ang OIS ay isang hiling mula sa tagabigay ng pampublikong serbisyo, mangyaring hilingin sa iyong tagabigay ng pampublikong serbisyo na mag-apply sa CHEER. Kung nahihirapan kang makipag-usap sa mga tagabigay ng serbisyo, mangyaring gamitin ang aming Serbisyong Interpretasyong Pantelepono (Sumangguni sa Q1).

ois

Tanong: Maaari ba akong humingi ng tulong sa CHEER kung hindi ko mabasa ang impormasyon ng pampublikong serbisyo na nakasulat sa Ingles?

Sagot: Makakatulong ang Serbisyong Interpretasyon sa WhatsApp & Harapan (WSIS)!
Mangyaring dalhin ang dokumento at bisitahin ang aming sentro tuwing Lunes: 9 am – 5 pm; Martes hanggang Linggo: 9 am – 9 pm (maliban sa mga pampublikong public holiday). Ang tagapagsaling wika ng CHEER ay nagbibigay ng berbal na interpretasyon ng mga maikling dokumento o mga form na nakasulat sa Ingles sa 8 EM na mga wika. Magagamit mo ang serbisyong ito sa pamamagitan ng WhatsApp kalakiip ng iyong kahilingan sa 5634 4587.

Tanong: Kailangan ko bang magbayad para sa serbisyo?

Sagot: Ang serbisyong interpretasyon ng CHEER ay WALANG BAYAD para sa mga etniko minoryang tagagamit ng serbisyo.
Para sa Serbisyong Interpretasyong On-site at Serbisyong Magkakasabay na Interpretasyon, ang mga ito ay hiling mula sa mga tagabigay ng pampublikong serbisyo at ang mga singil sa serbisyo ay dapat nilang bayaran. Kung gusto mong gumamit ng Serbisyong Interpretasyong On-site, mangyaring humiling sa iyong tagabigay ng pampublikong serbisyo.

Share:
Mangyaring pumili ng wika