- Pagbibigay ng personal na serbisyong konsultasyon sa mga maypagawa at empleyado sa mga bagay na may kaugnayan sa kondisyon ng pagtatrabaho at kanilang mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng Ordinansa sa Pagtatrabaho; at
- Pagbibigay ng boluntaryong serbisyo sa pakikipagkasundo sa mga tagapag-empleyo at empleyado upang tumulong na ayusin ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan at mga paghahabol;
Para sa mg detalye ng mga tanggapan ng Dibisyon ng Labour Relations, mangyaring bisitahin ang http://www.labour.gov.hk/eng/tele/lr1.htm
Para sa mga detalye ng mga serbisyo sa pakikipagkasundo at konsultasyon sa mga tagapag-empleyo at empleyado sa mga bagay na may kaugnayan sa mga kondisyon ng pagtatrabaho at kanilang mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng Ordinansa ng Pagtatrabaho, mangyaring lapitan ang mga opisina sa itaas sa mga oras ng serbisyo o magtanong sa aming 24-oras na hotline 2717 1771 (pamamahala ng “1823”).