(English) Preparation for a new jobPrint

(1) Ano ang mga paghahanda na kailangan ko upang makapag-apply ng trabaho?

Resume

Ang resume ay ang pagbibigay ng 1-2 (mga) pahinang kabuuran ng iyong mga kasanayan, kakayahan at mga tagumpay na kaugnay sa larangan ng trabahong nais mong pasukin. Ito ay isang mabilis na paglathala kung sino ka. Tampok din dito ang mga nagawa at mga kasanayan na nagpapakita ng iyong mga kwalipikasyon para sa trabaho.

Pindutin ito para idiskarga ang Libreng template ng resume

Curriculum vitae (CV)

Ang CV ay isang mas komprehensibong dokumento na nagsasaysay sa LAHAT ng iyong nakaraang edukasyon, mga karanasan, at mga kakayahan, kabilang ang pampublikong pagtatanghal, akademikong pagsulat at propesyonal na pagsulong

Pindutin ito para idiskarga ang Libreng template ng CV

Liham Pabalat

Ang panimulang liham ay isang kasamang liham na nagsisilbi bilang panimula sa iyong resume. Ang liham pabalat ay ibinabagay sa bawat puwesto kung saan ikaw ay nag-aaplay. Ito ay isang karugtong ngiyong resume at sumasalamin sa iyong kaalaman sa mga pangangailangan ng maypagawa.
Pindutin ito para sa Libreng template ng Liham Pabalat

Tagapamagitan

Ang tagapamagitan ay kailangang ang iyong agarang/mga naunang mga tagapangasiwa o ang mga taong kilala ang iyong kasaysayan/katangian. Ang mga miyembro ng pamilya ay hindi inirerekomenda bilang mga tagapamagitan upang maiwasan ang pagkiling. Sa lahat ng kaso, humingi ng pahintulot bago gamitin ang tao bilang tagapamagitan
Mga Puna:

1. Lahat ng impormasyon ay dapat kumpleto at naaayon sa pansuportang mga dokumento. Hal. mga katibayan at liham pangsangguni sa trabaho, atbp.

2. Ang lahat ng mga dokumento ay data malinis at maayos.

3. Huwag kalimutang lagdaan ang dokumento kasama ang petsa.

4. Maaaring hilingin sa iyo ng kumpanya na punan ang kanilang sariling job application form. Tiyakin na ang impormasyon ay naaalinsunod sa resume/CV

 

(2) Ano ang mga paghahanda na kailangan ko bago ang panayam sa pagtatrabaho?

Gawin

Huwag

1368571083_Facebook_like_thumb Gawin ang iyong araling-bahay. Alamin hangga’t kaya mo ang tungkol sa kumpanya at mga tagapanayam. facebook-thumb-down Huwag pumunta na walang alam tungkol sa industriya o sa puwesto kung saan ikaw ay kinakapanayam. Ang kakulangan sa paghahanda ay magpapamalas na tila hindi mo gusto ang trabaho.
1368571083_Facebook_like_thumb Maging handa. Asahan ang mga maaaring itanong sa panayam at planuhin ang iyong mga sagot
1368571083_Facebook_like_thumb Gumawa ng isang magandang unang impresyon. Dumating sa oras. Magdamit ng maayos at malinis. facebook-thumb-down Huwag dumating ng huli o magmukhang gusot.
1368571083_Facebook_like_thumb Sagutin ng ganap at tapat ang mga katanungan. Ilarawan ang iyong sarili sa pinakamahusay na tanglaw, ngunit manatiling mapagkumbaba at maigsi. facebook-thumb-down Huwag magreklamo tungkol sa mga nakaraang mga tagapagawa o mga unang trabahong iyong nagampanan.
1368571083_Facebook_like_thumb Manatiling mabait, magalang, at positibo. facebook-thumb-down Huwag magreklamo tungkol sa mga nakaraang mga tagapagawa o mga unang trabahong iyong nagampanan.
1368571083_Facebook_like_thumb Magtanong ng mga bagay na nais mong malaman ngunit maaari mong sariling alamin.
1368571083_Facebook_like_thumb Sundan ng isang tandang pasasalamat matapos ang panayam at isang email kinalaunan kapag ikaw ay hindi nakarinig mula sa kanila.