Pagkilala sa mga KwalipikasyonPrint

Pagkilala sa mga Kwalipikasyon

Sa pangkalahatan, ang mga karaniwang manu-mano o teknikal na mga gawain ay hindi nangangailangan ng tiyak na rekisito upang makapasok sa Hong Kong. Subalit ang mga taong nagtatrabaho sa ilang mga piling propesyon ay maaring mangailangan ng mga kwalipikasyong kinikilala ng gobyerno ng Hong Kong SAR at/o mga kaugnay na grupong propesyonal. Bukod dito, ang mga indibidwal na kumpanya, organisasyon o mga institusyong pang-edukasyon ay magpapatupad ng kanilang pasya ukol sa pagtanggap ng kwalipikasyon ng sinumang partikular na indibidwal para sa mga layuning pagtatrabaho, rehistrasyon o pag-aaral.

Ang Hong Kong Council for Accreditation of Academic and Vocational Qualifications (HKCAAVQ) ay itinatag bilang isang lupon na legal na responsable para sa pangkaraniwang pagsasagawa ng mga gawaing akreditasyon o bilang isang binigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng kahit anong lokal na paggawa ng batas. Ang HKCAAVQ ay nagbibigay ng mga serbisyong pagsusuri ng kwalipikasyon sa pamamagitan ng pag-aalok ng propesyonal na opinyon kung naabot ang kabuuan ng edukasyonal na kwalipikasyon ng isang aplikante (ibig sabihin ay ang kinalabasan ng pinagsamasamang pinag-aralan base sa pinakamataas at pinakahuling kwalipikasyon) ang pamantayan ng isang partikular na antas ng kwalipikasyon ng Hong Kong. Ang nasabing opinyon ay hindi kinakailangang sundin at hindi isang legal na opinyon. Para sa karagdagang mga detalye, mangyaring bisitahin ang: http://www.hkcaavq.edu.hk.