Mandatory Provident Fund (MPF)Print

Mandatory Provident Fund (MPF)

Kung ikaw ay isang manggagawa o self-employed, ang MPF System ay tinutulungan kang mag-ipon para sa iyong pagreretiro. Maliban sa mga hindi kasaling indibidwal, lahat ng mga manggagawa at mga self-employed na may edad mula 18 hanggang 65 ay kinakailangang sumali sa MPF schemes. Ang mga sumusunod ay hindi kasali sa kategorya –

  • Mga domestic helper (kasama ang mga foreign domestic helper);
  • Mga self-employed na naglalako o nagtitinda sa bangketa (hawkers);
  • Mga taong saklaw ng pensyong isinabatas o provident fund schemes, katulad ng mga empleyado ng gobyerno at mga guro na nabigyan ng tulong pinansyal o grant;
  • Mga miyembro ng occupational retirement schemes na napagkalooban ng exemption certificates;
  • Mga indibidwal mula sa ibayong dagat na pumasok sa Hong Kong upang magtrabaho nang hindi hihigit sa 13 buwan, o ‘yung mga sakop ng overseas retirement schemes; at
  • Mga empleyado ng tanggapan ng European Union Office ng European Commission sa Hong Kong.

Sa sandaling ang iyong kumpanya ay isinali ka sa MPF scheme, bibigyan ka ng MPF trustee ng isang katibayan ng pagkakasali mo.  May karapatan kang mamili sa mga constituent funds na inalok sa ilalim ng scheme.

Ang mga mandatory kontribusyon ay tinatantiya base sa 5% ng sahod ng manggagawa, kasama ang kumpanya na maghuhulog din ng 5%. Ang mandatory kontribusyon ng manggagawa ay napapailalim sa pinakamababa at pinakamataas na antas ng sahod, habang ang mandatory kontribusyon ng kumpanya ay napapailalim sa pinakamataas na antas ng sahod. Ang mga self-employed ay dapat na maghulog din ng 5% ng kanilang sahod, napapailalim sa pinakamababa at pinakamataas na antas ng kanilang sahod.

Maaari mong kunin ang buong benepisyo ng MPF scheme kapag naabot mo na ang edad ng pagreretiro na 65, o sa ilalim ng mga natatanging patakaran katulad nang maagang pagreretiro sa edad na 60 o permanenteng paglisan sa Hong Kong.

Para sa mga detalye ng MPF:

Hotline: 2918-0102

Website: www.mpfa.org.hk