HUWAG IWANANG MAG-ISA SA BAHAY ANG INYONG MGA BATANG ANAKPrint

HUWAG IWANANG MAG-ISA SA BAHAY ANG INYONG MGA BATANG ANAK

Iniisip mo ba o ng iyong mga kaibigan na okey lang iwanang mag-isa sa bahay ang inyong (mga) batang anak ng dahil sa:

  • Kailangan kong pumasok sa trababo at walang makakatulong sa pag-aalaga ng anak ko
  • Lalabas lang ako sandali para bumili ng mga ilang bilihin
  • Ang aking anak ay natutulog at hindi naman siya gigising habang ako ay nasa labas
  • Nasubukan ko ng iwan siyang mag-isa noon at wala namang masamang nangyari
  • Ang aking anak ay mabait at alam na niyang alagaan ang kanyang sarili

Ipinakita sa estatistika na may 993 na kaso ng pang-aabuso sa mga bata ang naiulat noong Enero hanggang Disyembre 2009 kung saan 102 sa mga kasong ito ay tungkol sa mga batang pinapabayaan o iniiwang walang nag-aalaga sa bahay. Ang pag-iiwan sa bahay ng walang nag-aalaga sa mga bata ay lubhang mapanganib. Maraming mga bata ang iniulat na nasaktan sa sunog, sa pagkahulog, o sa pagka-matay dahil sa aksidente dahil sa kakulangan sa kaalaman ng mga magulang o tagapangalaga.DON’T LEAVE YOUR KIDS ALONE AT HOME - p1

Ayon sa Offence Against The Person Ordinance (Cap 212) seksyon 26, “Pagtataya o paglagay sa panganib sa buhay ng bata” at sa seksyon 27, “Pagtrato at Pagpapabaya ng mga Tagapangalaga ng mga bata”, ang pag-iwan sa mga bata na walang nag-aalaga sa bahay at ang pagpapabaya sa kapakanan ng mga bata ay mga uri ng pag-abuso sa bata. Ang mga magulang at tagapangalaga, nang dahil sa pagpapabaya sa pag-alaga ng mga bata, ay maaaring maharap sa pananagutang kriminal hanggang sa 10 taong pagkabilanggo.

Huwag ilagay sa panganib ang buhay ng inyong mga anak; huwag silang iwanan sa bahay na walang nag-aalaga.

Kung kayo ay nangangailangan ng mga serbisyo sa pag-aalaga ng bata, mangyaring makipag-ugnayan sa mga childcare center na tinutulungan sa pananalapi ng Social Welfare Department. Ang mga detalye ng impormasyon ay maaaring matagpuan sa http://www.swd.gov.hk/en/index/site_pubsvc/page_family/sub_listofserv/id_childcares/

Reference: http://www.swd.gov.hk/vs/english/stat.html

Leave a Reply